Presyo ng gasolina, muling tataas

Sa apat na sunod na linggo, muling magtataas ang presyo ng gasolina.

Sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation, tataas ng ₱0.25 ang litro ng gasolina.

Pero tatapyasan naman ng ₱0.40 ang bawat litro ng diesel at ₱0.35 sa kerosene.


Ipapatupad din ng Petro Gazz ang kaparehas na halaga, maliban sa kerosene.

Epektibo ang oil price adjustment alas-6:00 ng umaga bukas.

Ayon sa Department of Energy (DOE), ang presyo ng gasolina ay naglalaro mula ₱43.20 hanggang ₱58.61, sa diesel ay ₱39.05 hanggang ₱46.55, habang sa kerosene ay ₱40.50 at ₱53.75.

Facebook Comments