Presyo ng gulay sa Baguio, tumaas

120

Nagmahal ang presyo ng gulay sa mga palengke sa Baguio dahil sa mga pag-ulan.

 

Halos P100 ang itinaas ng presyo ng cauliflower na ngayo’y nasa P250 mula sa dating P150.


 

Nasa P200 naman ang iminahal ng chicharo, P400 mula sa dating P200; ang bell pepper na dating P280 ngayon ay P320 na.

 

Ang carrots na P50 hanggang P70 kada kilo noon, P100 na ngayon.

 

Hindi naman nagbago ang presyo ng repolyo na P50 hanggang P60 habang nagmura ang lettuce, P120 mula sa dating P280.

Facebook Comments