Bea Alonzo, napadaan nga lang ba sa Kadenang Ginto?

775
Screenshot via Kadenang Ginto

Nag-trending si Bea Alonzo sa social media matapos ng cameo appearance sa Kadenang Ginto kahapon.

Ayon kay Dimples Romana, binisita lamang siya ni Bea sa set at game itong sumalang sa isang scene.


Umani naman ng reaksyon mula sa mga netizen ang surprise appearance ni Bea sa Kadenang Ginto.

Inakala nilang bagong karakter si Bea na aabangan sa serye.

Si Bea Alonzo ay nanalo ng Phenomenal Box-Office Star of 2016 sa 47th GMMSF Box-Office Entertainment sa pelikulang kasama si John Lloyd Cruz na “The Second Chance”, sequel ng “One More Chance.”

Ang “The Second Chance” ay nagtala 556 million pesos nationwide noong 2015. Samantala, ang “The Hows of Us” naman ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong 2018 ang Highest Grossing Film of All-Time na mayroong 915 million nationwide.

Facebook Comments

From Advertisers