Presyo ng gulay sa mga pamilihan sa Metro Manila, tumaas na ng P10 hanggang P20

Tumaas na ng P10 hanggang P20 ang presyo ng mga gulay sa mga pamilihan sa Metro Manila kasunod ng pananalasa ng Bagyong Karding sa mga sakahan.

Batay sa price monitoring ng DA hanggang nitong Setyembre 29, tumaas sa 120 ang kada kilo ng Baguio beans mula sa dating P100.

Ang presyo ng carrot ay nasa P150 na kada kilo mula P140 habang ang talong na dating nasa P85 kada kilo ngayon ay nasa P100 na.


Ayon kay DA Undersecretary Kristine Evangelista, pumalo na sa P754.8 million ang halaga ng napinsala ng nagdaaang bagyo sa high-value crops kabilang ang mga prutas, gulay at mga beans.

Katumbas ito ng 18,536 metrikong tonelada ng mga produkto sa 2,964 hektaryang sakahan.

Tiniyak naman ni Evangelista na tinitignan na nila ang posibilidad kung may ilan na sinasamantala ang pagkasira ng mga sakahan para pataasin ang mga presyo.

Facebook Comments