Presyo Ng Gulay – Tumaas Dahil Sa Epekto Ng Frost Bunsod Ng Malamig Na Panahon

80

MANILA – Ramdam na sa ilang pamilihan sa Metro Manila ang pagtaas ng presyo ng mga gulay na galing sa Baguio dahil sa epekto ng frost o pagyelo ng mga pananim.Pero, paglilinaw ni Benguet Gov. Crescencio Pacalso, wala pang isang porsyento ang apektado ng “frost” o “andap” sa kanilang gulayan.Ayon sa gobernador, walang dahilan para magtaas ng presyo ng gulay dahil alam na ng mga farmer na mangyayari ang frost kaya nagha-harvest na sila bago pa mangyari ito.Hindi rin anya nagkukulang sa suplay ng mga gulay gayundin ang bulaklak dahil kapag natatanim ay talagang may sobra.

Facebook Comments