Pagtataas Ng Excise Tax – Muling Iginiit Ng Departme Nt Of Budget And Management

7

MANILA – Muling iginiit ng Department of Budget and Management na karapat-dapat lang na magtaas ng buwis sa gasolina.Paliwanag ni DBM Secretary Benjamin Diokno, malaki na ang ibinaba sa presyo ng gasolina at panahon nang kunan ito ng karagdagdang buwis.Kumpyansa naman ito na makakaya ng mga publiko ang karagdagang buwis sa petrolyo, lalo pa’t isinusulong ang pagpa-pababa ng personal income tax.Ayon sa kalihim, kinakailangan ng pamahalaan na magtaas ng excise tax para matustusan ang pagbaba ng income tax at infrastructure project at iba pang programa ng gobyerno.Aminado naman si Diokno na maliit lang na buwis ang makukuha ng pamahalaan sa mga suhestyon ng mga mambabatas na dagdagan ang buwis sa mga beauty products gayundin ang pagpapataw ng tax sa electronics at gadgets.

Facebook Comments