Presyo ng harina at gasolina, posibleng tumaas pa dahil sa Ukraine crisis

Posibleng tumaas pa ang presyo ng harina at gasolina dahil sa nangyayaring krisis sa Ukraine at Russia na maaaring makaapekto sa kalakaran ng negosyo sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, magkakaroon ng supply chain disruption kung tuluyang puputok ang giyera sa pagitan ng dalawang bansa.

Aniya, malaking suplay ng harina ay nanggagaling sa Ukraine at iba pang bahagi ng Europa kung kaya’t asahang taaas pa ang presyo nito.


Sinabi rin ni Political Science and International Relations Professor Anna Malindog-Uy na asahang lalo pang tataas ang presyo ng langis dahil sa sunod-sunod na economic sanctions na ipinapataw sa Russia.

Dagdag pa ng mga eksperto na malaki ang tiyansang mag-domino effect sa iba pang produkto ang pagtaas ng presyo ng harina at langis.

Dahil dito ay masusing binabantayan ng mga negosyante ang tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia dahil sa epekto nito sa pandaigdigang ekonomiya, kahit pa ng mga bansang malalayo sa Europa.

Facebook Comments