Presyo ng ilang noche buena products, nakaambang tumaas

Manila, Philippines – Nakaambang tumaas ang ilang noche buena products ngayong papalapit na Pasko.

Humirit kasi ng dagdag-presyo sa Department of Trade and Industry ang mga manufacturer ng noche buena items.

Dahil ito sa pagtaas ng presto ng skim milk, tin can, label at currency rates.


Mayroon namang tatlumpung (30) araw ang DTI para pag-aralan ang hirit na dagdag-presyo.

Bago matapos ang Oktubre, inaasahang ilalabas ng DTI ang Suggested Retail Price (SRP) sa mga noche buena items.

Facebook Comments