Inaprubahan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang taas-presyo sa ilang pangunahing bilihin.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, siyam na porsiyento ang pinayagang taas-presyo sa ilang brands ng sardinas, canned meat, condiments, coffee, milk products at detergents.
Nagpaalala rin si Castelo na hindi puwedeng magtaas-presyo hangga’t walang inilalabas na bagong suggested retail price ang gobyerno.
Aniya, susubukan din ng DTI na utay-utayin ang mga susunod na taas-presyo para hindi gaano masapul ang mga konsumer.
Sinabi pa ni Castelo na puwede na ring bumalik sa dating presyo ang mga produktong pang-Noche Buena dahil hanggang katapusan lang ng Disyembre ang pangako nilang ibababa ang presyo para sa Pasko.
Facebook Comments