Presyo ng Ilang Prutas, Tumaas Ngayong Christmas; Bentahan, Matumal Pa rin

Cauayan City Isabela- Tumaas ang presyo ng ilang bilog na prutas bago mag Pasko.

Kasabay ng pagtaas ng presyo ng ilang prutas, tumumal naman ang bentahan ngayon sa pribadong pamilihan ng Cauayan City.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ms. Jingjing Perez, fruit vendor, mangilan-ngilan pa lamang aniya ang mga bumibili nitong mga nakaraang araw subalit umaasa pa rin ito na ngayong Biyernes, Disyembre 24, 2021 bago mag pasko ay magdagsaan ang mga bibili ng prutas.


Ilan sa mga prutas na nagtaas ang presyo ay tulad ng hinog na mangga na ngayo’y nasa P240 per kilo mula sa dating presyo na P180.

Ang black grapes, mula sa dating presyo na P350 ngayon ay tumaas na sa P380 kada kilo.

Tumaas din ang presyo ng Pipino, mula sa dating P40 ngayon ay P70 na; ang green apple mula sa dating presyo na 35 kada piraso, ngayon ay P40 na.

Nanatili naman sa dating presyo ang iba pang prutas gaya ng mga sumusunod:
Seedless grapes- 280/kilo
Dalandan- P60/ kilo
Pomelo- P150/kilo
Pakwan- P35 hanggang P40/kilo
Papaya- P50/kilo
Mangoosteen- P220/kilo
Kiat-kiat- P60 per net
Ang presyo naman ng mansanas ay naglalaro sa presyong P10, P20, P25 at P30 depende sa laki.

Ilan naman sa mga prutas na patok ngayon sa mga mamimili ay Kiat-kiat, tig sampung piso na mansanas at grapes.

Ayon pa kay Asahan na aniya na lalo pang tataas ang presyo ng mga prutas sa susunod na Linggo o sa pagsalubong ng bagong taon.

Facebook Comments