Presyo ng isang sikat na brand ng tasty, nagmahal

Pinagpapaliwanag ng isang consumer group ang Department of Trade and Industry (DTI) kasunod ng nadiskubreng pagtaas ng presyo ng tinapay.

Sa kabila ito ng abiso ng DTI noong kalagitnaan ng Nobyembre na wala nang magiging pagtaas sa lahat ng Noche Buena products.

Ayon kay Laban Konsyumer President Atty. Vic Dimagiba – base sa kanilang monitoring, nagmahal ng P1.50 ang presyo ng tasty (gardenia).


Wala rin aniyang anunsyo ang DTI hinggil dito.

Base sa inilabas na Suggested Retail Price (SRP) ng DTI noong Nobyembre naglalaro sa P135 hanggang P1,025 ang presyo ng hamon depende sa brand at timbang nito:

Fruit cocktail – P50.35 to P239.40

Cheese – P49.50 to P269.50

Sandwich spread – P21.05 to P205.80

Mayonnaise – P28 to P283

Keso de bola – P169 to P539

Spaghetti –  P19 to P92

Macaroni – P18.75 to P98.65

Spaghetti sauce – P22 to P84.20

Tomato sauce – P12.25 to P78.25

Creamer – P52 to P75

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ilang brand ng mga nabanggit na produkto ang nagmahal dahil sa pagtaas ng production costs.

Facebook Comments