Presyo ng Isda, Gulay, Karne sa Private Market sa Cauayan City, Tumaas; Bentahan, Matumal

Cauayan City, Isabela- Tumaas ang presyo ng ilang isda, gulay at karne sa pribadong pamilihan sa Lungsod ng Cauayan bunsod na rin ng kakulangan ng suplay at ng COVID-19 pandemic.

Sa pag-iikot ng 98.5 iFM Cauayan sa private market ng Cauayan City partikular sa Primark, inihayag ni Ginoong Rowel Ponce, president ng vegetable section, doble ang itinaas ng presyo ng mga gulay ngayon dulot ng pag-ulan at mababang suplay dahil sa mga nangyaring landslide sa pinanggagalingan ng mga gulay tulad sa Baguio City.
Narito ang presyo ngayon ng Baguio Vegetable tulad ng:
· Repolyo- P100 kada kilo
· Carrots- P80 hanggang P100 kada kilo
· Cauliflower- P150 hanggang P160 kada kilo
· Baguio beans- P60 kada kilo
· Sayote- P40 hanggang P50 kada kilo
· Patatas- umaabot sa 60 hanggang 70 kada kilo
· Chinese Pechay- P70 hanggang P80 kada kilo
· Gisantes/sweet peas- P240 kada kilo
· Broccoli- P140 hanggang P120 kada kilo
· Red sili- umaabot sa presyong P240 hanggang P220 kada kilo
· Celery- P160 hanggang P200 kada kilo.
Narito naman ang presyo ng ibang gulay tulad ng;
· Talong- P40 kada kilo
· Ampalaya- P50 kada kilo
· Sili- P40 kada kilo
· Okra- P60 kada kilo
· Sitaw, Kalabasa, Camote- P40 kada kilo
Ang Camatis ay tumaas sa presyong 60 pesos kada kilo at ang Patola ay nasa P40 kada kilo.

Naglalaro naman ngayon sa presyong P100 hanggang 120 kada kilo ang sibuyas, nasa P120 kada kilo naman ang bawang habang umaabot sa presyong P120 hanggang P200 ang luya.


Sa ISDA, lalong tumaas sa presyong P180 kada kilo ang Bangus mula sa dating presyo na P150 hanggang P160 kada kilo.

Tumaas din sa P240 ang presyo ng Galunggong mula sa dating P180 kada kilo maging ang Japayuki na galunggong ay tumaas sa presyong P160 mula sa dating P120 kada kilo.

Nasa P150 na rin kada kilo ang Maya maya; tumaas din sa P200 ang presyo ng Tulingan mula sa dating P160 kada kilo.

Wala namang paggalaw sa presyo ngayon ng Tilapia na P130 kada kilo maging sa Pusit sa presyong P150 kada kilo.

Sa Karne ng baboy, naglalaro pa rin sa P300 hanggang P350 ang presyo kada kilo depende sa klase; nasa P200 kada kilo naman sa karne ng Manok habang nasa P300 hanggang P360 naman kada kilo sa karne ng Kalabaw depende rin sa klase.

Ayon kay Ginang Trinidad Agcaoili, president ng Chicken section, humina aniya ang kanilang bentahan ng karne ng manok maging sa isda dahil sa mababang suplay nito.

Facebook Comments