
Nanatiling matatag ang presyo ng isda sa bansa kahit papalapit na ang paggunita ng Semana Santa.
Ayon kay Department of Agriculture o DA Spokesperson at Assistant Secretary Arnel de Mesa, ang umiiral na presyo ng isda, partikular ang bangus at tilapia ay nanatili sa dati nitong presyo mula noong nakaraang buwan.
Aniya, batay sa kanilang price monitoring, ang umiiral na presyuhan ng bawat kilo ng bangus ay P240 habang ang tilapia ay nasa P160.
Ani De Mesa, ang may paggalaw lamang ay ang presyo ng galunggong sa merkado na naglalaro mula P240, P260 at P300 per kilo.
Gayunman, asahan na gagalaw ang presyo ng isda sa Holy Week dahil naging tradisyon na ng Pilipino na kumain ng isda kaysa sa karne sa Biyernes Santo.
Tiniyak naman ng DA na ang price adjustment sa retail ng isda ay hindi lalampas sa isang 15-porsyento ang itataas.