Presyo ng isdang tamban, posibleng sumunod na tataas

Posibleng  sumunod na tumaas ang presyo ng isdang tamban matapos ang pag-angat sa presyo ng isdang galunggong.

Ito ay dahil nagpatupad na rin ng off fishing season ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa Zamboanga Bay.

Sinabi ni Nazario Briguera, Chief Information Officer ng BFAR, malilimitahan din sa mga susunod na mga araw ang suplay ng isdang tamban sa mga pamilihan dahil sa fishing ban sa mga commercial fishing.


Nagsimula ang off fishing season ng BFAR sa Zamboanga Bay ngayong December 1 at magtatagal ng Marso 1.

Ngunit hindi umano ito nangangahulugang kasing taas sa presyo ng galunggong dahil marami namang buffer stock ng tamban ang mga commercial fishing company sa bansa.

Ang tamban ay isa rin sa mga sangkap sa paggawa ng sardinas ngunit wala naman daw magiging pag-angat sa presyo nito.

Dagdag pa ni Briguera, walang dahilan para umangat ang presyo ng sardinas dahil hindi naman tumaas ang presyo ng iba pang materyales na ginagamit dito.

Facebook Comments