Aktor na si Mico Palanca, pumanaw sa edad na 41

6736
From Facebook/Kristoffer Mico Palanca

Namatay na ang aktor na si Mico Palanca sa edad na 41.

Inanunsyo ng Film Academy of the Philippines (FAP) ang masamang balita sa kanilang Facebook post nitong Lunes ng gabi.


Nagpaabot ang movie organization ng pakikiramay sa maagang pagpanaw ng celebrity.

Bagamat may kumakalat na espekulasyon kaugnay sa sinapit ni Mico, humiling muna ng privacy at pang-unawa ang pamilya niya sa gitna ng pagluluksa.

“We are extremely saddened by the sudden passing of our beloved brother, Miko Palanca. The whole family is grateful for the incredible outpour of love and support that has been coming in today.  

“As of now, we would like to respectfully request for privacy as we go through this very difficult time.”

“Again, we appreciate all the love and support — thank you so much – Pita, Lisa, Bernard, Erika, Martin and Santi,” mensahe ng mga naulilang kaanak. 

Ang yumaong aktor ay nakababatang kapatid ni Bernard Palanca at dating nobyo ni Bea Alonzo.

Bahagi noon ng Star Magic, talent management ng ABS-CBN, si Mico at unang sumikat sa defunct Sunday teen-oriented show na “Tabing Ilog”.

Naging parte din siya ng mga teleseryeng “K2BU” (2000), “Kay Tagal Kang Hinintay” (2000), at “It Might Be You” (2003)

Huling napanood si Mico sa mga soap-opera na “FPJ’s Ang Probinsyano” (2016) at “Nang Ngumiti Ang Langit (2019).

Facebook Comments

From Advertisers