PRESYO NG ITLOG SA PAMPUBLIKONG PAMILIHAN SA DAGUPAN CITY, NANANATILING MATAAS

Nananatiling mataas ang presyo ng itlog sa mga pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Sa ngayon, madalang ang otso pesos na kada piraso nito at halos lahat ng ipinagbibili ay naglalaro sa 8.20 cents mahigit o halos 9 pesos na per piece nito.
Usap-usapan pa rin sa pagitan ng mga vendors at consumers ang pagpapanukalang gawing per kilo ang itlog dahilan upang matiyak umano na tama ang binabayad na halaga katumbas nung laki o sukat.

Hindi ito sinang-ayunan ng ilang konsyumer dahil baka hindi raw maging patas o nararapat ang maibabayad sa mabibiling mga itlog.
Ilang mga vendor ay sumang-ayon at anila ang siste raw sa pagkuha mula sa poultry farms ay per kilo.
Samantala, inaasahan naman na mas tataas pa ang demand ng itlog sa merkado sa mga susunod pang araw kasunod ng pagdiriwang ng Holiday Season. | ifmnews
Facebook Comments