Mula ₱25 ay umakyat na sa ₱30 kada container ang purified drinking water sa mga refilling stations sa Rosales, Pangasinan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina epektibo noong Marso 14 matapos lagdaan ng ehekutibo ang panukala para rito.
Sa ilalim nito, ipinatutupad ang price adjustment na dagdag limang piso bilang tugon sa tumataas na gastusin sa transportasyon, delivery at operasyon ng mga refilling station.
Ayon sa asosasyon ng water refilling stations sa bayan, hindi na umano sapat ang dating presyo upang mapanatili ang kalidad ng serbisyo at pagpapatuloy ng kanilang operasyon, kaya’t kinailangan ang bahagyang pagtaas.
Epektibo na ang bagong presyo sa lahat ng water refilling stations sa bayan kaya hinikayat ng lokal na pamahalaan ang publiko na maging updated sa mga anunsyo upang malinawan sa mga ipinatutupad na kautusan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










