Pumalo na sa ₱106 ang presyo ng kada kilo ng refined o puting asukal sa Metro Manila.
Batay ito sa inilabas na price monitoring ng Sugar Regulatory Authority (SRA) base sa presyo sa supermarkets at groceries sa National Capital Region (NCR).
Nananatili pa rin namang mababa ang bentahan ng asukal sa mga palengke pero pumatong na rin ang pinakamataas na presyo nito sa ₱90.
Umabot naman sa ₱87 ang pinakamahal na washed sugar habang ang pula o raw sugar naman ay umabot na sa ₱82.
Nauna nang sinabi ng SRA na ang pagtataas ng presyo ng asukal ay dahil sa manipis na supply na dulot ng nagdaang bagyo sa bansa.
Pero ayon sa ilang grupo ng mga magsasaka ng asukal, may ilang negosyante na nagtatago ng supply nito at nais paimbestigahan ang posibleng hoarding ng sugar traders.