Umaabot na sa ₱106 ang presyo ng kada kilo ng asukal sa Metro Manila.
Ito na ang pinakamataas na naitalang halaga ng kada kilo ng puting asukal.
Batay sa inilabas na price monitoring ng Sugar Regulatory Administration (SRA), pumalo na rin sa ₱82 ang kada kilo ng washed sugar, habang nasa ₱87 naman ang kada kilo ng raw sugar.
Bukod dito, aabot na sa ₱4,300 ang kada sako ng 50 kilo ng asukal.
Samantala, sa palengke watch naman ng Department of Agriculture (DA) ay naglalaro sa P88 hanggang ₱92 ang kada kilo ng asukal sa ilang malalaking palengke sa Metro Manila.
Nakita ng DA ang pinakamataas na presyo sa Malabon Central Market kung saan ₱92 ang kada kilo ng asukal.
Facebook Comments