Presyo ng kada piraso ng Itlog sa Private Market Cauayan City, Pumalo sa P10.00; Mantika, Bumaba ng P5.00

Cauayan City, Isabela- Mataas na rin ang presyo ng ilang poultry products gaya ng itlog na ibinabagsak ng ilang malalaking kumpanya sa pamilihan ng Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Elena Gorospe, Egg vendor sa Cauayan Private Market, naninibago ito sa mataas na presyo na ibinibigay sa kanila mula sa pag-aangkat.

Aniya,mababa lang ang kanilang puhunan ngunit laking gulat nila sa mataas na presyo na bigay sa kanya.

Ilan sa presyo ng kada piraso ng ibinebentang itlog mula sa tindahan ni Nanay Elena ay naglalaro sa P4.00 hanggang P7.00.

Kaugnay nito, nagkaroon din siya ng paglilimita sa mga bumabagsak na order nitong itlog na dati rati ay ilang truck ngunit sa ngayon ay nasa isa na lamang ito.

Ayon pa kay G. Elena, nananatili sa P7.00 ang benta nito sa kada piraso ng itlog habang sa iba aniya ay P10.00 ang bawat piraso.

Samantala, bahagyang bumaba sa P5.00 ang presyo ng kada isang bote ng mantika sa pamilihan.

Una nang sinabi ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines Inc. (AGAP) na maaaring pumalo sa P10 hanggang P15 kada piraso ang itlog dahil sa taas ng production cost at mga kaso ng bird flu.

Facebook Comments