Tumaas na rin ang presyo ng mga itlog na ibinebenta sa mga pamilihan sa metro manila.
Ngayong araw, tumaas ng piso ang presyo ng kada piraso ng itlog sa ilang palengke sa Metro Manila kabilang na sa Mega Q-Mart.
Mula sa dating ₱4, nasa ₱5 na ngayon ang presyo ng small, ₱6 na sa medium at ₱7 naman sa large na itlog.
Paliwanag ng Philippine Egg Board Association, dulot ito ng pagmahal ng presyo ng feeds o patuka ng mga manok na naglalaro na ngayon sa mahigit ₱1,500 kada sako.
Sabi ni Philippine Egg Board Association chairman Gregorio San Diego, nasa ₱200 ang nagbabadyang taas sa presyo ng mga patuka kung kaya’t marami na sa kanilang mga miyembro ang nalulugi at napipilitang tumigil na sa pag-aalaga ng mga manok.
Samantala, nasa ₱190 naman ngayon ang presyo ng kada kilo ng karneng manok sa paco public market, habang ₱400 sa liempo, ₱370 sa kasim at ₱380 naman sa kada kilo ng karneng baka.