Presyo ng kamote sa ilang pamilihan, tumaas kasunod ng kabawasan sa suplay nito

Tumaas ang presyo ng kamote sa ilang pamilihan matapos kumpirmahin ng Department of Agriculture (DA) na nabawasan ang suplay ng nito sa bansa

Sa Balintawak market, umakyat sa 45 pesos ang kada kilo ng kamote mula sa karaniwan nitong presyo na 25 hanggang 35 pesos kada kilo.

Mula 10 hanggang 25 pesos naman ang itinaas ng kamote depende sa kulay nito.


Ayon kay Agriculture Undersectary Domingo Panganiban, hindi gaanong lumalaki ang kamote kapag tag-ulan kaya asahan talaga ang pagbawas ng suplay nito.

Dagdag pa ni Panganiban, nanggagaling ang suplay ng kamote sa Central Luzon, Southern Tagalog at Northern Luzon – na kamakailan ay hinagupit ng Bagyong Florita.

Sa kabilang banda, naniniwala ang DA na pansamantala lamang ito at babalik din sa dati nitong presyo ang kamote sa mga susunod na buwan.

Lumalabas sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umakyat sa 278,330 metriko tonelada ang produksyon ng kamote mula Enero hanggang Hunyo 22 kumpara sa naitalang 273,090 metric tons sa kaparehong panahon noong 2021.

Facebook Comments