Presyo ng kandila at bulaklak sa Maynila, tumaas sa gitna ng papalapit na Undas

Mahigit dalawang linggo bago ang Undas, bahagyang tumaas ang presyo ng kandila sa Divisoria at ng mga bulaklak sa Dangwa.

Tumaas ng ₱10 ang presyo ng karamihan sa mga malalaking kandila.

Naglalaro na rin sa ₱50 ang kada piraso ng maliit na puting kandila habang nasa ₱100 naman ang large size at nasa ₱50 naman ang spiral na kandila.


Ang presyo naman ng scented candles ay nasa ₱60 hanggang ₱80 naman, at nasa ₱80 hanggang ₱160 naman ang presyo ng esperma na isa sa mga mabenta ayon sa mga nagtitinda.

Sa Dangwa, nasa ₱70 na ang centerpiece na bulaklak at posibleng umabot pa ng ₱100.

Nasa ₱800 naman ang long and low arrangement na bulaklak, habang ang flower basket ay nasa ₱400 hanggang ₱450, pero posibleng umabot ng ₱750.

Facebook Comments