Pole Vaulter EJ Obiena, nag-courtesy call kay PBBM sa Malakanyang

Nagsagawa ng courtesy call si Pole Vaulter EJ Obiena kay Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sa Malakanyang ngayong araw.

Sa mga larawang ibinahagi ng Palasyo, makikita ang tuwa sa mukha ng pangulo habang ipinakikita sa kaniya ni Obiena ang medalya na nakuha nito sa pagkapanalo sa ilang events na sinalihan nito sa ibang bansa.

Isinabit din ng pangulo sa leeg ni Obiena ang medalya.


Nagbigay rin ng mensahe ang pangulo at ang mahigpit na bilin nito kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Noli Eala, tulungan ang mga atleta dahil ang mga ito at kanilang ginagawa ay mahalaga sa bayan.

Sa isa pang larawan ay binigyan ng PSC si Pangulong Marcos ng kulay pulang sports jacket na iniabot ni Eala habang katabi si Obiena.

Facebook Comments