Presyo ng karne at gulay, nagmahal na

Nagmahal na rin ang ilang bilihin sa mga palengke sa Metro Manila.

Sa San Andres Market sa Maynila, tumaas ng ₱10 hanggang ₱20 ang presyo ng mga karne gaya ng laman ng baka na mula ₱370 kada kilo ay nasa ₱380 na; liempo na mula ₱380 ay ₱400 na at ang manok na ₱180 noon, ngayon ay ₱190 na.

Pagdating naman sa mga gulay, ang baguio beans na dating ₱80 kada kilo, ₱150 na ngayon habang ang talong na dating ₱80, ₱120 na.


Nagmahal din ng ₱10 hanggang ₱20 ang presyo ng sayote, kalabasa, pechay, repolyo, carrots, sitaw at kamatis.

Mahal din ang presyo ng siling labuyo na ngayon ay nasa ₱250 per kilo.

Ang klase naman ng mantika na madalas nating ginagamit sa kusina, nasa ₱45 na kada 350 ml mula sa dating ₱30 habang ang isang litro na dating ₱100 ngayon ay ₱125 na.

Facebook Comments