Bigtime rollback sa diesel, pinapatupad sa ilang gas station

Hindi pinalagpas ng mga motorista ang malakihang bawas singil sa presyo ng diesel ngayong araw

Sa Petro Gazz sa Mindanao Avenue sa Quezon City ay ₱3.50 ang tapyas sa presyo ng diesel.

Ibig sabihin ay mula ₱77.90 ay magiging ₱74.40 na lamang ito.


Nagsimula ang bawas-presyo ngayong alas-6:00 ng umaga, June 8 at magtatagal ng 3 araw hanggang June 11.

Ayon sa jeepney driver na si Cristopher Morales, malaking tulong ang rollback sa diesel dahil sa 30 litro na ikakarga ay ₱105 ang matitipid na magagamit pambili ng pagkain at iba pang pangangailangan.

Ang tanong ngayon ng ilang motorista, kung nagawa ng Petro Gazz na magpatupad ng bigtime rollback sa diesel ay bakit hindi pa ito ginagawa ng iba pang kompanya ng gasolina.

Facebook Comments