Presyo ng karne ng baboy at manok sa ilang pamilihan, tumaas

Nakitaan na ng pagtaas sa presyo ang mga karne ng baboy at manok sa ilang palengke sa Metro Manila.

Sa ginawang pag-iikot ng Department of Agriculture sa ilang pamilihan, tumaas na ng halos P40 ang kada kilo ng baboy at P10 hanggang P20 naman sa kada kilo manok.

Paliwanag ng ilang tindera, tumaas din kasi ang presyo ng katay na baboy na idini-deliver sa kanila na pawang “tawid dagat” o mula pa sa Mindoro, Samar o ibang probinsya sa Visayas at Mindanao .


Anila, nagmahal din kasi ang presyo ng gasolina na ginagamit sa pag-transport ng mga produkto mula pantalan hanggang mga pamilihan.

Maliban dito, nakikita ring dahilan ni Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista ang pagtaas sa presyo agricultural feeds gaya ng mais.

Facebook Comments