Higit 148,000 COVID-19 vaccines, naapektuhan ng sunog sa Zamboanga del Sur – NTF

Aabot sa 148,678 doses ng COVID-19 vaccine ang napinsala matapos masunog ang regional office ng Department of Health (DOH) sa Zamboanga del Sur.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., nasunog ang 88,938 dose ng Pfizer vaccine, 36,164 dose ng Sinovac, 14,400 dose ng Moderna, at 9,176 dose ng AstraZeneca gayundin ang ibang bakuna na inilaan para sa probinsya.

Aniya, nasa proseso na sila ng pagsalba ng mga bakuna at iba pang kagamitan na maaari pang mapakinabangan.


Sa ngayon, inaalam pa ng Philippine National Police at Bureau of Fire Protection ang pinagmulan ng sunog.

Facebook Comments