Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Boyet Taguiam, president ng meat section sa private palengke, nasa P300 hanggang P320 pa rin ang per kilo ng karneng baboy tulad ng liempo at boneless.
Nasa P300 din ang per kilo ng straight cut, naglalaro naman sa P280 hanggang P300 per kilo ng Maskara ng baboy, P300 per kilo sa ribs at P280 sa Pata.
Ayon kay Ginoong Taguiam, kasabay ng pagtatapos ng peak season, bumaba din aniya ang bilang ng kanilang kinakatay na baboy kung saan nitong bago magbagong taon, umabot aniya sa 300 heads ng baboy ang kanilang kinatay sa slaughter house ngunit ngayong normal days na lamang ay nasa 30 heads lang ng baboy ang kanilang kinakatay.
Gayunman, mas dumami naman aniya ngayong 2022 ang bilang ng mga bumibili ng karne ng baboy kumpara noong nakaraang 2021.
Pero, hindi pa rin aniya nakakabawi ang mga meat vendors dahil pa rin sa epekto ng ASF at COVID-19 pandemic.
Samantala, makakaasa naman ang mga mamimili na bababa pa ang presyo ng karne ng baboy sa mga susunod na araw at buwan.
Panawagan nito sa mga bibili ng karne na tangkilikin pa rin ang fresh meat kumpara sa frozen meat.