Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pangunahing nakapag-ambag sa overall inflation noong Abril 2021 ay ang presyo ng karne partikular ng baboy.
Ayon kay Usec. Dennis Mapa, Philippine Statistics Office National Statistician, magpapatuloy ang pagsipa ng presyo ng karne hangga’t makapaglatag ang gobyerno ng interbensyon.
May pagbaba naman sa presyo ng gulay at prutas na nakatulong upang hindi gaanong tumaas ang inflation rate nitong Abril.
Bukod sa pagkain, kabilang sa mga may pagtaas ay ang pasahe sa jeep at sa presyo ng petrolyo, pagkain sa mga restaurant at sa mga personal hygiene tulad ng alcohol.
Bagama’t may pagtaas sa singil sa laboratoryo at sa mga gamot, hindi naman ito nakaapekto sa inflation rate.
Facebook Comments