May panibagong Talk to the People si Pangulong Rodrigo Duterte mamayang gabi.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ganap na alas-6:30 mamaya ang kanilang pulong bago ang nakatakda nitong ulat sa bayan.
Ito na ang ikalawang Talk to the Nation ng Pangulo sa loob ng linggong ito.
Inaasahan namang magbibigay ito ng update hinggil sa COVID-19 situation sa bansa, kasama ang kabuuang bilang ng mga nagkasakit, gumagaling at nasasawi.
May kanya-kanya ring update ang iba’t ibang kalihim na nangunguna sa COVID-19 response.
Hindi rin nawawala sa kanyang talumpati ang patutsada nito sa kanyang mga kritiko lalo na sa usapin ng West Philippine Sea.
Posible ring iaanunsyo ni Pangulong Duterte ang magiging kapalit sa pwesto ni outgoing Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Debold Sinas na nakatakdang magretiro sa Sabado, Mayo 8.