PRESYO NG KARNE NG BABOY SA ILANG PAMILIHAN SA DAGUPAN CITY, BUMABA AYON SA MGA TINDERA; MGA IMPORTED NA KARNE, PANGUNAHING PROBLEMA NG MGA ITO

Bumaba ngayon ang presyo ng karne ng baboy sa ilang pamilihan sa Dagupan City.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay Sharon Nisperos, tindera ng karne ng baboy sa Malimgas Public Market, bumaba aniya ang presyo ng karne ng baboy kung saan nasa 320-330 pesos kada kilo na ito kumpara sa P340-360 noong mga nakaraang buwan.
Ngunit gaya ng liempo at iba pa ay mabibili ito sa halagang P340 depende sa kukunin.

Aniya, ang dahilan ng pagbaba nito ay noong nag-umpisa na ang panahon ng tag-ulan.
Paliwanag niya, na tuwing panahon ng tag-ulan ay mas mabilis lumaki ang mga baboy dahil malamig, kumpara sa tag-init na mabagal lumaki ang mga inaalagaang baboy sa mga farm.
Sa kabila ng pagbaba ng presyo nito, matumal pa rin ang bentahan dahil sa mga ipinapasok at ibinibenta ng ilang tindera na mga imported meat sa palengke.
Dagdag pa nito na dumarami na rin ang mga nagbebenta ng karne sa mga kabahayan bagay na isa sa nagpapahirap sa kanilang pagbebenta sa palengke. |ifmnews
Facebook Comments