BAWAL BASTOS LAW SA LUNGSOD NG ALAMINOS, PINAGTITIBAY

Pinagtitibay ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Alaminos ang R.A 11313 Safe Spaces Act o kilala bilang Bawal Bastos Law sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman sa mga Barangay at SK Officials, CVOs at BHWs sa Barangay Poblacion sa naturang lungsod.
Alinsunod ito sa pagsasagawa ng programang Legal Technical Assistance kung saan nagbuo at pagpapabuti ng mga legal na sistema na nilikha sa mga umuunlad na bansa at sa mga lumilipat sa mga ekonomiya.
Layun nang pagpapaigting sa R.A 11313 ay upang maipaunawa sa bawat opisyales ang kahalagahan ng batas na ito at upang magamit itong pantugon sa mga issueng kaugnay rito.

Ang naturang batas ay malaking tulong Hindi lamang sa mga nakakaalam ng naturang programa kundi pati nadin sa mga residente nakakaranas ng pambabastos na kung Minsan ay isinasantabi nalang Ang naranasang issue. |ifmnews
Facebook Comments