LINGAYEN, PANGASINAN – May posibilidad na tumaas ang presyo ng karne ng baboy bago o pagsapit ng bagong taon.
Ito ang naging pahayag ni Samahan ng Industriya at Agrikultura o SINAG Chairman Engr. Rosendo So.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan, ang dahilan aniya ay ang naging epekto ng bagyong Odette sa ibang panig ng bansa kung saan nanggagaling ang mga suplay ng karne lalo sa bahagi ng Visayas.
Sa ngayon aniya ay maayos pa naman ang presyo at suplay sa merkado dito sa Pangasinan kung kaya’t walang dapat ipag-alala ang mga Pangasinense na nagbabalak mamili ng mga pang handa ngayong pasko at bagong taon.
Sa ilang pamilihan sa Pangasinan nasa P270-300 ang presyo ng karne ng baboy. #ifmnews
Facebook Comments