PRESYO NG KARNENG BABOY AT MANOK , TUMAAS SA DAGUPAN CITY

Tumaas ang presyo ng karne ng baboy at manok sa mga pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Sa presyuhan ng karne ng baboy, mula sa P330 hanggang P340, ngayon nasa P350 hanggang P380 na ito. Ang manok, mula P180, ngayon ay nasa P200 na ito habang ang baka, naglalaro sa P380 hanggang P420.
Ayon sa ilang tindera, nakakaapekto sa presyuhan ang malamig na panahon sa produktong manok, habang konting suplay naman umano sa baboy ang nagpapataas sa presyo nito.

Ani ng ilang consumers, mas pinipili ang gulay o isda bilang pamalit sakaling manatili pang mataas ang presyuhan sa mga karne.
Samantala, kung ang karne may pagtaas, bumaba na ang presyuhan sa ilang gulay sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments