Presyo ng Karneng Baboy sa Cauayan City, Bahagyang tumaas

Cauayan City, Isabela- Aminado ang lokal na pamahalaan ng Cauayan na may kakulangan sa suplay ng karneng baboy na posibleng dahilan ng pagtaas ng presyo nito sa pamilihang lungsod gayundin ang isyu sa banta naman ng African Swine Fever.

Ayon kay City Councilor Egay Atienza, Chairman ng Business Enterprise, tanging ‘rancho oro farm’ nalang ang natitirang nagsusuplay ng kakataying karne ng baboy subalit hindi nito kayang bigyan ang lahat ng meat vendors dahil may iba pang kalapit na bayan ang sinusuplayan nito.

Matatandaan na noong wala pang banta ng ASF sa lungsod ay nakakapagkatay ang slaughther house ng tinatayang nasa 100 -150 piraso ng baboy para masuplayan nito ang lahat ng nagnenegosyo ng karneng baboy.


Kaugnay nito, ipinag-utos rin ng lokal na pamahalaan ang pagpayag na makapasok na sa lungsod ang mga alagang baboy mula sa ibang bayan subalit dapat ay bahagi ito ng ‘green zone’ areas upang makatiyak na ligtas ang lahat sa ASF.

Paliwanag pa ng konsehal, normal naman ang pagtaas ng presyo ng karneng baboy tuwing papalapit ang kapaskuhan subalit posible din na bumaba pa ang presyo nito sa merkado kung madagdagan pa ang suplay.

Samantala, naglalaro ang presyo ng karneng baboy sa P230 hanggang P250.

Tiniyak naman ng LGU na tutulungan ang mga apektadong backyard hograisers para muling makabangon makaraang maisailalim sa culling ang kani-kanilang alagang baboy.

Facebook Comments