Presyo ng karneng manok, tumaas kahit naibaba na ang farm gate price ng itlog at manok —DA

Tumaas ang presyo ng bawat kilo ng manok sa mga palengke kahit nagbaba na ng farm gate price ng itlog at manok ang malaking may-ari ng manukan.

Batay sa ginawang monitoring ng Department of Agriculture (DA), umaabot na sa ₱220 kada kilo ng manok.

Ito’y sa kabila ng umaabot na lamang sa ₱80 ang farm gate price ng kada kilo ng manok.


Bumaba naman ng 50 centavos ang presyo ng itlog.

Nananatili sa ₱8 hanggang ₱9 ang presyo ng bawat itlog sa mga pamilihan.

Facebook Comments