Presyo ng kerosene at diesel, bumaba; habang presyo ng petrolyo, tataas naman

Manila, Philippines – Magkahalong bad news at good news ang sasalubong sa mga motorista ngayong linggo.

Asahan ang bawas na P0.10 hanggang P0.15 kada litro sa presyo ng kerosene habang P0.25 hanggang P0.30 kada litro ang ikakaltas sa presyo ng diesel.

Kasabay nito, dagdag-presyo naman ang aabangan para sa gasolina na maglalaro sa P0.35 hanggang P0.45 kada litro ang pagtaas.


Ito na ang ikaapat na sunod na linggong may pagtaas ng presyo ng gasolina.

Facebook Comments