Presyo ng krudo at kerosene, posibleng may rollback sa susunod na linggo; presyo ng gasoline, may dagdag piso – ayon sa DOE

Posibleng magpatupad ng rollback sa presyo ng krudo at kerosine sa susunod na linggo.

Ayon kay Atty Rino Abad, director ng DOE-Oil Management Bureau, sa kanilang pagtaya ay nasa higit P2 hanggang P3 kada litro ang pagbaba ng presyo.

Pero sa kabila nito, possible naman ang pisong dagdag sa presyo ng gasoline.


Bunga umano ito ng epekto ng palitan ng piso kontra sa dolyar kung saan naitala ang paghina ng salapi ng Pilipinas.

Liban nito, sa nakalipas na ilang araw ay kakarampot lamang daw ang ibinaba ng gasolina sa international market, habang ang diesel ay tumaas na naman ng hanggang $9 kada bariles.

Facebook Comments