DSWD, handang makipagtulungan sa inilunsad na Angat Buhay NGO ni dating VP Robredo

109

Inihayag ni Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo na handang tumulong ang DSWD sa inilunsad na Angat Buhay NGO ni dating Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Tulfo, mas mapapabilis at mapapagaan ang trabaho ng DSWD sa tulong Angat Buhay at bahagi na rin ito ng motto ng kampanya ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na unity.

Mababatid na naging katunggali ni Marcos si Robredo sa presidential race noong May 9 elections.


Dagdag pa ng kalihim, walang pinipiling kulay ang pagtulong kaya bukas si Tulfo sa pakikipag-ugnayan ng kampo ng Angat Buhay upang mapadali ang pagpapaabot ng tulong sa mga Pilipino.

Facebook Comments