
Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na bumaba na ang presyo ng krudo sa world market ngayong araw.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DOE Officer-in-Charge Sharon Garin na sa ngayon ay nasa 69 dollar per barrel na ang presyo ng krudo sa world market na malayo sa triggering factor na 80 dollar per barrel para ipamahagi ang fuel subsidy.
Kaugnay nito, hindi pa masabi ng DOE kung itutuloy ang pamamahagi ng ayuda o fuel subsidy sa mga apektadong sektor.
Ayon kay Garin, ipinauubaya na nila sa Department of Transportation (DOTr) ang pagpapasya tungkol dito.
Sa ngayon aniya, tinatrabaho na DOTr ang listahan ng mga makikinabang sa fuel subsidy at kung magkano ang matatanggap ng bawat benepisyaryo sakaling ipatupad ito.
Facebook Comments









