Presyo ng laman-loob sa ilang palengke sa Metro Manila, tumaas na!

Kasunod ng dagdag-presyo ng karneng manok, tumaas na rin ang presyo ng laman-loob nito sa ilang palengke sa Metro Manila.

Sa Divisoria Market, umabot na sa P200 kada kila ang presyo ng atay, balunbalunan at puso na dating nasa P180.

Tumaas na rin sa P125 kada kilo, mula ng P120, ang isaw o bituka ng manok.


Bukod sa laman-loob, tumaas din ang presyo ng ibang parte ng manok tulad ng ulo na ngayon ay P50 na kada kilo, mula sa dating P30, at ang paa na P150 na, mula sa dating P130.

Dahil dito, nagtaas na rin ng presyo ang ilang nagtitinda ng litson manok sa Metro Manila.

Sa Caloocan City, tumaas na ng hanggang P20 ang kada isang buong manok, kung saan naglalaro na sa P350 hanggang P360 ang jumbo litson manok, mula sa dating P330 hanggang P340; habang ang kalahating litsong manok naman ay nasa P180 hanggang P190 na.

Facebook Comments