PBBM, nagsusulat ng kanyang mismong talumpati para sa SONA

105

Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nagsusulat ng kanyang talumpati para sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.

Ayon kay Executive Secretary Victor Rodriguez, hindi pa tapos ang speech dahil masyadong abala at marami pang trabaho ang pangulo.

Ngunit ngayong hapon hanggang sa Lunes ng umaga ay inaasahang maisasapinal na ni PBBM ang kanyang address.


Hindi rin masabi ni Rodriguez kung ilang pahina ang speech dahil nga hindi pa ito tapos.

Kaugnay naman sa lalamanin ng speech, asahan daw na sesentro ito sa ekonomiya at kanyang mga plano.

Mababangit din ang usapin sa edukasyon kabilang ang pagbabalik ng face-to-face classes, ang COVID-19 response at ang isinusulong na digitalized governance ng administrasyong Marcos.



Facebook Comments