Nagkakaroon ng bawas-presyo sa produktong petrolyo.
Sa anusyo ng Caltex na ₱1.10 kada litro ang price rollback sa diesel at ₱0.55 kada litro ang tapyas-presyo sa kanilang platinum at silver gasoline at ₱1.30 litro kada kerosene na magiging epektibo sa darating na Martes, ika-13 ng Agosto.
Habang nagpatupad na ng rollback ang Phoenix Petroleum, kahapon.
Aabot sa ₱1.10 kada litro ang ibinababa ng presyo ng Phoenix at ₱0.50 kada litro naman sa gasolina.
Inaasahan naman na susunod pa ang iba pang oil companies sa rollback ng produktong petrolyo.
Facebook Comments