Tumaas na ang presyo ng lechon sa La Loma sa Quezon City.
Kasabay ito ng nalalapit na pagdiriwang ng pasko at bagong taon.
Batay sa monitoring, nasa P7,500 ang pinakamaliit na lechon na may timbang na pitong kilo habang 15,000 ang nasa 28 kilo.
Ayon kay Dra. Anna Cabel ng QC Veterinary Office, ang taas-presyo ay dahil sa dumaraming kaso ng African Swine Fever (ASF) sa Quezon kung saan nanggagaling ang mga baboy.
Nananatili namang malinis ang La Loma matapos ang ginawa nilang inspeksyon at hindi infected ng ASF ang mga baboy.
Facebook Comments