Presyo ng LPG, inaasahang tataas sa Marso

Manila, Philippines – Asahan na ang pagtaas sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa pagpasok ng Marso.

Sa pagtaya ng mga oil companies, posibleng umabot sa P1.50 hanggang P2.00 kada kilo ang imamahal ng LPG.

Katumbas ito ng P22 dagdag sa kada 11 kilogram na tangke.


Mula nang magsimula ang 2019, umabot na sa P5 ang itinaas sa presyo ng LPG kada kilo kasama na ang ipinataw na dagdag na excise tax.

Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, sumipa kasi ang contract price ng LPG mula Enero hanggang ngayong Pebrero.

Paliwanag pa ni Romero, hindi maiiwasan ang pagtaas sa presyo ng LPG dahil inaangkat pa ito mula sa ibang bansa.

Facebook Comments