Presyo ng LPG, ipatutupad ang taas-singil ngayong araw

60

Manila, Philippines – Nagpatupad ng taas presyo sa kanilang mga produkto ang ilang kompanya ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ngayong araw.

Nasa P2.90 ang ipinatupad ng Petron na taas-presyo sa kada kilogram ng kanilang LPG simula hatinggabi habang P1.65 naman sa kada litro ng auto LPG.

Magpapatupad naman ang Solane ng P2.60 taas-presyo sa kada kilogramo ng LPG na epektibo alas-6 ng umaga.

Ang pagtaas sa presyo ng LPG ay dahil sa pagtaas ng international contract price para sa buwan ng Marso.

Facebook Comments