Sinalubong ang mga consumer ng pagtaas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) products simula ngayong August 1.
Sa abiso, ang Petron ay magpapatupad ng ₱0.15 na pagtaas kada kilo sa kanilang LPG, epektibo alas-12:01 ng madaling araw.
Katumbas ito ng dagdag na ₱1.65 para sa isang 11-kilogram na tangke ng LPG.
Magkakaroon din ng pagtaas sa AutoLPG ng nasa ₱0.10 kada litro.
Nasa ₱0.13 kada kilo ang itataas sa presyo ng Solane LPG na katumbas ng dagdag na ₱1.43 sa presyo ng 11-kilogram tank.
Magiging epektibo ang price adjustment ng alas-6:00 ng umaga.
Sa datos ng Department of Energy (DOE) nitong Hulyo, ang household LPG sa Metro Manila ay naglalaro mula ₱539 hanggang ₱857 kada 11-kilogram na tangke.
Facebook Comments