Nagpatupad na ng taas singil sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang Petron Corp. simula kaninang alas-12:01 ng hatinggabi.
Nasa P7.95 kada kilo ang itinaas sa presyo ng LPG habang ₱4.44 naman sa kada litro ng AutoLPG.
Batay sa huling datos ng Department of Energy, naglalaro na ngayon sa ₱794 hanggang ₱1,054 ang presyo ng 11 kilos na tangke ng LPG.
Samantala, epektibo na rin ngayong araw ang oil price hike ng mga kumpanya ng langis na aabot sa ₱0.90 sa kada litro ng gasolina habang ₱0.80 naman sa diesel at ₱0.75 sa kerosene.
Kabilang sa mga kumpanyang nagpatupad nito ang Caltex, Shell, Seaoil, Petron, Flying V, Petrogazz, Unioil, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Jetti Petroleum At Cleanfuel.
Ito na ang ika-siyam na sunod na linggo na umakyat ang presyo ng produktong petrolyo.
Inaasahang tataas pa ito dahil sa gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.1