Work-from-home setup, hindi na inirerekomenda ng DTI ngayong nasa Alert Level 1 ang Metro Manila at iba pang lugar

Iminungkahi ng Department of Trade and Industry na ibalik na ang work at office setup ngayong nasa ilalim na ng alert level 1 ang Metro Manila at 38 pang lugar sa bansa.

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na ito ay upang mahikayat ang mga pilipino na gumastos at mapalakas ang ating ekonomiya.

Paliwanag ni Lopez, sa ganitong paraan ay mabubuhay at maraming mga natutulungan na mga maliliit na negosyo.


Sa kabila nito, nilinaw ni Lopez na nananatiling opsyon ang work-from-home setup para sa mga empleyado.

Simula ngayong araw, nasa Alert Level 1 na ang kamaynilaan at iba pang lugar hanggang sa Marso 15.

Facebook Comments